3.13.2007

300

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Maraming umantabay sa pelikulang ito dahil sa magaling na paglabas ng trailer at kaugnayang sabi-sabi na maganda ang kabuuan ng pelikula. Kasama ako doon sa naniwala na nag-antabay at masasabing kong hindi ako napangitan at natupad ang inisip kung kalalabasan ng pelikula.

Base ito sa nobelang komiks ni Frank Miller na 300 na binase naman niya sa The 300 Spartans na isang lumang pelikula na napanood niya noong bata siya. Tungkol ito sa Battle of Thermopylae kung saan naglabanan ang mga Persians at ang Spartans sa Gates of Fire. 300 ang titulo ng pelikula dahil ito ang bilang ng mga sundalo na nakipaglaban sa nasabing gates. Kasama ang kanilang dakilang haring si Leonidas na ginanap ng aktor na si Butler (The Phantom of the Opera, Timeline).

Bayolente ang pelikulang ito dahil sa mga nahahting ulo, braso, hita at kung ano-ano pa ngunit kasama talaga ito sa daloy ng pelikula na kinunan ang karamihang eksena sa green at blue screen. Sa mga eksperto marahil napakasimple lang ng istoryang ito dahil nailathala na ngunit dahil nga hindi naman aktuwal sa kasaysayan ang sinunod ni Miller kung hindi may bakas na pantasya. Kaya mairarapat na tularan ito bilang isang pelikulang pantasya at aksyon.

Para sa akin masikap na ginawa ng iba't ibang digital/graphic artists sa pagagawa ng magagandang eksena na pinapalabas ang tamang balanse ng kulay kung ano ang Greece noong unang panahon. Maraming Filipino ang magugustuhan ito dahil sa aksyon ng labanan at aksyon sa kama ;) Hindi kasi maitatago na mahilig ang maraming kalalakihan ng ganitong labanan at gusto naman ng kababaihan ang mga maskuladong mga artista na parang naka lampin lang na nakikipaglaban.

Movie: 8/10
Video: 9/10
Audio: 9/10

2 comments:

Unknown said...

pre Asimo saiyo ba ito blogsite :) sumilip lang keep it up!!!

Captain Jack Hook said...

oo EK! ito ang blog ko kakasimula pa lang. sa pangalang pa lang piratang pirata na.