3.08.2007

The Brown Bunny

Noong 2003 naging kontrobersiyal ang pelikulang ito dahil sa isang eksena na nagpapakita ng fellatio sa artista at direktor na si Vincent Gallo at si Chloe Sevigny isama mo na rin ang malaking billboard na pinalimbag nila na pinapakita ang eksena na pinalabo lang. Nakakaintriga ika nga ito panoorin pero sa totoo lang napakabagal at nakakabagot ang pelikula. Para sa akin maganda ang mga kuha noong unang mga eksena. Dahil isang propesyonal sa karera ng motorsiklo ang protagonistang si Bud Clay. Pero sa pag-usad ng pelikula na wala masyadong dayalogo at puro paglalagay ng mga simbolismo sa bawat kuha unti-unti itong nagiging proseso ng kabalagan para makapunta sa punto ng istorya.

Hindi ko alam kung ano ang hinahanap ni Bud. Pag-ibig ba, kaligayahan o pagbabalik ng nakaraan niya sa katauhan ni Daisy. Kasintahang matagal na itong si Daisy ni Bud ngunit sa isang masamang iglap nagbago ang lahat. Mahirap maialis at maisantabi ang dating minamahal at kay Bud na pawang napakatahimik at seryosong tao maihahantulad ang dahon ng makahiya. Haplosin mo at titiklop ito na magtatago. Ganito si Bud napakaselan ang pakiramdam kaya nagdulot ang malalim na sugat sa nakita niya isang gabi mula kay Daisy.

Kaunti lang siguro ang tunay na makakapagpaliwanag ng daloy ng istoryang ito mula kay Gallo. Orihinal na konsepto ngunit hindi kagandahan ang aplikasyon nito sa pelikula.

Movie: 5/10
Video: 8/10
Audio: 8/10
Bonus: 3/10

1 comment:

Reinard Santos said...

Buti na lang at may fast forward button ang dvd. Alam naman natin kung ano ang kadalasang habol ng mga tao sa pelikulang ganito.