3.10.2007

Beerfest

Photo Sharing and Video Hosting at PhotobucketPhoto Sharing and Video Hosting at Photobucket

Guten Morgen, Gutes Bier. Kaso nga lang hindi gaano kaganda ang pelikulang ito. Isa itong katatawanan na puro kalokohan at walang patutunguhan pero nagustuhan ko siya dahil mahilig ako sa mga ganitong klaseng komedya.

Namatay ang lolo ng magkapatid na si Jan at Todd na laking Amerika. Mahilig sa inuming beer. Aleman ang lolo nila at saan pa ba mangagaling ang pinakamasarap na beer eh di sa kanilang bansang Germany. Nakakatawa talaga ang mga bungad na mga eksena dahil hindi mo akalain na tumawa dahil sa range ng dumb hanggang smart na mga patawa. Pero halas lahat ito maituturing na "slapstick" o kailangan ng physical na pagpapakita ng pagpapatawa.

Pumunta sila sa Germany na parang hindi naman talaga at napadpad sa isang patimpalak na hindi kilala pero napakasikat sa mga manginginom. Labanan ito ng mga pinakamagaling sa inuman at mga "beer games". Pagkatapos mapahiya nangako ang magkapatid na bumuo ng sariling koponan para talunin ang mga mayayabang na Aleman. Dito lang nagsisimula ang katatawanan at kalokohan.

Binubuo ang cast ng limang artista na gumawa rin ng pelikula dati na magkakasama kaya makikita ang masigasig na "screen chemistry". Mairerekomenda itong panoorin kasama ang barkada at mga taong bukas ang pag-iisip sa pandidiri at iba pa.

Movie: 5/10
Video: 7/10
Audio: 7/10

No comments: