3.07.2007

May Pirata! May Pirata! Sa Ilalim ng Tulay


Malamang pinagtataka niyo kung bakit Jack Hook ang pangalan ng blog na ito. Dahil ito ang pinakasikat na mga pirata na kilala ko sa pelikula. Sina Captain Jack Sparrow ng Pirates of the Carribean at si Captain Hook ng Hook.

Marami na sa ating mga Pilipino ang nakapabili na ng illegal na mga kopya ng DVD o VCD ng mga pelikula, palabas sa telebisyon, musika, konsiyerto, laro, hubad/pornogropiya at kung ano-ano pa. Mahirap man aminin naging kriminal na tayo sa ating bansa sa bawat pagbili natin ng mga piniratang bilihin. Inaamin ko na sa lahat ng nalakap kong mga DVD halos 30% lang ang lehitimo at lahat hindi na orihinal. Masasabi rin natin na pagparita ang pagdownload ng mga pelikula, ebook, mp3 o ebooks sa internet. Lalo itong lumalago sa bawat gumagamit ng internet na nagpapabago ng kanyang bilis para makuha kaagad ang inaasam na hindi lehitimong files.

Hindi ako nagsusulong na bumili kayo ng piratang DVD o naghihimok na tama ang pagbili at pagkundina nito kung hindi nagbibigay lang ng perspektibo sa mga nabili o nakuha sa internet sa ilegal na pamamaraan. Kung kaya niyo bumili ng lehitimo o orihinal na DVD o VCD, iwasan niyo na ang pagbili ng peke.

Pawang mga rebyu lang ito ni Kapitan Jack sa mga napanood na pelikula, napakinggan na musika, nalarong mga laro at kung ano-ano pa. Hindi lang rebyu sa mga pirata kundi sa mga lehitimo rin para patas ang labanan kung baga.

No comments: