
Nakakatawa ang naunsiyameng serye dahil sa mga linyang hindi nakakalimutan at mga paraan na pagnanakaw at kakaibang pakikipagtransaksyon. Pinangungunahan ni Captain Malcolm Reynolds ang aroganteng may-ari ng sasakyang Serenity ang lahat at siya ang nagpapaikot ng kanilang gawain. Kasama ang suporta ni Zoe (First Mate) ang kanyang piloto at asawa na si Wash sina Inara (prosti), Kaylee (mekanika), Jayne (isang mandurugas), at ang magkapatid na Tam si Simon (doktor) at Summer (ang promil kid). Sila ang bumubuo ng Serenity at kasama pa pala si Sheperd Book ang alagad ng Diyos na napamahal na rin sa mga paglalakbay ng Serenity.
Maraming iba't ibang nakakatuwa at nakakagilas na istorya sa 15 Episodes na pinagkasya sa DVD-9 na ito kaya siguradong maasahan ang degradasyon ng panood. Nakakalungkot na itinigil ito at hindi na ulit naibalik sa ere pero sa paglabas ng matagumpay na pelikulang "Serenity" may pag-asa itong bumalik.
TV Series: 9/10
Video: 4/10
Audio: 5/10
Bonus: n/a
No comments:
Post a Comment